Nanghalay sa special child, tiklo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAPAS, Tarlac – Arestado ang isang construction worker na humalay sa isang 15-anyos na babaeng special child sa Sta. Theresa Street, Barangay O’Donnell sa Capas, Tarlac, nitong Miyerkules ng hapon.

Batay sa ulat ni PO3 Analyn Mora, 15-anyos lamang ang sinasabing hinalay ni Joselito Villas, 31, ng Bgy. San Mariano, San Antonio, Nueva Ecija.

Ayon sa report, nabigla na lamang ang kapatid ng biktima nang makita sa kuwarto ang huli na walang damit pang-ibaba at duguan ang magkabilang hita. (Leandro Alborote)