Megan, enjoy sa pakikipagtrabaho kay Ai Ai

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MEGAN copy copy

IPINAKITA ni Megan Young ang sunburn niya dala ng five-day vacation nila ng boyfriend na si Mikael Daez sa Maldives.

Worth it daw ang sunburn sa masaya nilang bakasyon na tiyak na masusundan pa dahil nami-miss na agad ni Megan ang beach.

Nakausap ng mga reporter si Megan sa presscon ng Our Mighty Yaya ng Regal Films, showing sa May 3. Role ni Monique na stepmother ng mga anak ni Zoren Legaspi ang kanyang ginagampanan. Challenge ng karakter niya kung paano mapapamahal sa kanyang stepchildren na mas mahal ang yaya kesa sa kanya.

First movie ito together nina Megan at Ai Ai delas Alas at inamin ni Megan na may mga eksenang hindi siya makapag-focus dahil tawa siya nang tawa kay Ai Ai. Mabuti raw at hindi siya napagalitan ni Direk Joey Reyes. “But it makes the experience fun,” sabi ni Megan.

Samantala, aalis sa July papuntang New York si Megan para sa shooting ng gagawing movie for TV ng Netflix. Part ito ng pinirmahan niyang management contract sa Innovative Artists Agency.

Sa local front, nag-renew si Megan ng kontrata sa GMA-7, three-year-exclusive contract ang pinirmahan niya at isang soap ang una niyang gagawin. Hindi na siya kasama sa cast ng Book 2 ng Alyas Robin Hood dahil namatay ang karakter niya sa Book 1 ng action series. (Nitz Miralles)