Marian, nag-taping na ng ‘The Good Teacher’ ‘Alyas Robin Hood,’ may Book 2

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

DINGDONG MARIAN AT BABY Z copy

TIYAK na nagsimula nang mag-taping ni Marian Rivera ng The Good Teacher dahil may nabasa kaming tweet ng isang involved sa production na first day shoot ng isang project na secret pa at hindi pa puwedeng sabihin ang title.

Pero alam naming kasama siya sa teleserye ni Marian, kaya inisip naming nagsimula na silang mag-taping.

Mukhang sabay na magiging busy sina Marian at Dingdong Dantes dahil in-announce na rin ng GMA-7 ang Book 2 ng Alyas Robin Hood. Ibabalik ang action series ng actor na naging successful ang airing.

Kaya pala bitin ang ending ng Alyas Robin Hood dahil may Book 2 nga.

Maaalala na nagtapos ang action series nang makidnap si Jaclyn Jose na gumanap bilang ina ni Dingdong. Hinabol ni Dingdong ang mga dumukot, pero hindi naabutan. Doon nagtapos ang episode saka lumabas ang credits.

Si Andrea Torres na lang ang magiging leading lady ni Dingdong dahil namatay sa kuwento si Megan Young, pero siguradong may ipapalit kay Megan para dalawa pa rin ang kapareha ng aktor. (NITZ MIRALLES)