Landslide sa Colombia, 7 nasawi

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

BOGOTA, Colombia (AP) – Pitong katao na ang nasawi sa matinding pag-ulan na nagbunsod ng mga pagguho ng lupa sa bulubunduking rehiyon ng Colombia.

Nangyari ito nitong Miyerkules ng umaga matapos bumuhos ang katumbas ng isang buwang pag-ulan sa buong magdamag.

Ayon sa Red Cross, 20 katao ang nawawala at lima ang nasugatan.