Kate Middleton, ikinuwento ang mga karanasan bilang ina

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Kate copy

Si Kate Middleton ang pinakahuling celebrity na nagkuwento tungkol sa kanyang buhay bilang isang ina.

Inamin ng Duchess of Cambridge nitong Huwebes ang kanyang pagpupunyagi simula nang ipanganak niya sina Prince George at Prince Charlotte. Aniya: “It is lonely at times, and you do feel quite isolated. But actually, so many mothers are going through exactly what you are going through.”

Nagsalita ang 35-anyos sa pagpupulong ng grupo ng mga ina sa Global Academy. Ipinagtapat ni Kate ang tungkol sa kanyang mental-health struggle at hinimok ang mga tao na humingi ng tulong sa kapag naranasan din nila ito.

“It is being brave enough, like you obviously were, to reach out to those around you,” saad niya sa co-founders ng Mush, isang app na nag-uugnay sa mga bagong ina sa iba pang kapwa ina.

Sinamahan si Kate nina Prince William at Prince Harry sa event. Patuloy ang pagsisikap ng royals para talakayin ang kahalagahan ng mental health bilang bahagi ng kanilang Head Together campaign.

Pinuri rin ng duchess ang kanyang brother-in-law na si Prince Harry na kamakailan ay nagbahagi ng naranasang depression nang pumanaw ang kanyang ina na si Princess Diana.