Grade 8 student naglason matapos gahasain?

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

BAYAMBANG, Pangasinan – Nasawi ang isang babaeng estudyante sa Grade 8 matapos umanong uminom ng lason sa Barangay Sanlibo sa Bayambang, Pangasinan.

Ayon sa report, dinala sa ospital si Rochelle Jane Asuncion, 15, ng Bgy. Sanlibo, makaraang makaramdam ng pagsusuka at pananakit ng ulo.

Gayunman, tuluyan siyang binawian ng buhay bandang 5:30 ng hapon nitong Miyerkules.

Nabatid na bago namatay ang dalagita ay nasabihan ito ng ama tungkol sa hindi magandang ikinikilos, hindi batid na may pinagdadaanan ang anak na natuklasan lamang nang palitan ito ng damit.

Batay sa report, nakitaan ng kiss mark ang dalagita at nang suriin ang underwear nito ay may bahid ng semilya.

Pinaniniwalaang ginahasa ang dalagita, at ipinalalagay na dahil sa krimen kaya naglason ito. (Liezle Basa Iñigo)