Binatilyong most wanted sa rape, laglag

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

LICAB, Nueva Ecija – Tuluyan nang bumagsak sa kamay ng batas ang isang 15-anyos na binatilyo na sangkot umano sa panggagahasa matapos itong maaresto sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Licab Police ng Nueva Ecija at Concepcion Police ng Tarlac sa Barangay Macangcong sa Concepcion, nitong Martes ng hapon.

Ayon sa tracker team, kaagad nilang natunton ang pinagtataguan ng 15-anyos na magsasaka at nag-aalaga ng itik sa Bgy. San Cristobal, Licab.

Paksa ng arrest warrant sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa, ang binatilyo ay most wanted ng Licab Police. (Light A. Nolasco)