Ama ng beauty queen nagbaril sa presinto

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Nagbaril sa sarili ang ama ni Miss World Philippines 2015 Hillarie Danielle Parungao sa loob ng himpilan ng Solano Municipal Police makaraang maaresto sa buy-bust operation sa nasabing bayan sa Nueva Vizcaya.

Ayon sa Chief Insp. Billy Mangali, hepe ng Solano Municipal Police, Abril 19 ng hapon nang inaresto ng kanyang mga tauhan si Edmundo Parungao, negosyante at drug surrenderer, sa isang buy-bust operation.

Sinabi ni Mangali na nang nasa presinto ay idinaing ni Edmundo na hindi ito makahinga kaya dinala ito sa investigation room at tinanggalan ng posas, ngunit nang dadalhin na sa ospital ay inagaw umano nito ang service firearm ng umaalalay na si PO2 Baccay at nagbaril sa sarili. (Fer Taboy)