5 hepe sa Isabela sinibak

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Dahil sa kabiguang makatupad sa kampanya kontra droga, limang hepe ng Isabela Police Provincial Office (ISPPO) ang sinibak sa kanilang puwesto.

Sa report na tinanggap ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald Dela Rosa mula sa IPPO, sinibak sa puwesto sina Senior Insp. Ronald Suyo, hepe ng Quirino Municipal Police; Senior Insp. Randy Cabaddu, ng Burgos Municipal Police; Chief Insp. Roel Meña, ng San Pablo Municipal Police; Chief Insp. Melanio Vinuray, ng Cabagan Municipal Police; at Chief Insp. Ricardo Salada, ng Gamu Municipal Police.

Ang mga nasibak ay pinalitan nina Senior Insp. Fernando Malillin sa Quirino, Senior Insp. Manny Enriquez sa Burgos, Senior Insp. George Maribbay sa San Pablo, Chief Insp. Eduardo Pillos sa Cabagan, at Chief Insp. Richard Limbo sa Gamu. (Fer Taboy)