10-anyos patay sa sunog

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CEBU CITY – Nasawi ang isang 10-anyos na lalaki, na sinasabing nagtangkang silaban ang bahay ng kanyang pamilya, sa Barangay Bulacao sa Cebu City, kahapon ng umaga.

Hindi pa malinaw kung si Cedric Sumagang ang nagsimula ng sunog sa Sitio Cabancalan I, pasado 5:00 ng umaga kahapon.

Natagpuan ang sunog niyang katawan ilang oras matapos ang sunog.

Ayon sa mga imbestigador, tinangka ng bata na tumakas mula sa nasusunog na bahay ngunit nabigo ito. Nakaligtas naman ang kanyang ina at iba pang mga kapatid.

Nasa 40 bahay ang naabo habang dalawang sasakyan naman ang napinsala sa sunog na naapula bandang 6:15 ng umaga.

Noong nakaraang linggo, isang 41-anyos na magsasaka ang namatay makaraang hindi makalabas sa nasusunog niyang bahay sa Sitio Colansihan, Bgy. Guadalupe, Alegria, sa katimugang Cebu.

Pinaniniwalaang lasing at mag-isa bahay si Ricky Ygoña Ybas, nang mangyari ang sunog bandang 8:00 ng gabi.

Ayon sa report, nagparikit ng apoy si Ybas sa kusina para magluto, pero nakatulog siya. (MARS W. MOSQUEDA JR.)