Facebook killer nagpakamatay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

CLEVELAND (AP) – Ang lalaking basta na lamang binaril at napatay ang isang matanda sa Cleveland at ipinaskil ang video ng krimen sa Facebook ay nagpakamatay habang hinahabol ng mga pulis sa Pennsylvania nitong Martes.

Natapos ang halos 48-oras na pagtutugis kay Steve Stephens nang makilala siya ng isang drive-thru attendant sa McDonald’s sa Erie County. Kaagad na sumugod ang mga awtoridad nang matanggap ang impormasyon mula sa restaurant, at naabutan ang paalis nang si Stephens. Hinabol at binangga ng mga pulis ang sasakyan ng suspek upang mapigilan ang kanyang pagtakas. Nang huminto ang sasakyan at masukol ng mga pulis, nagbaril sa sentido si Stephens.

Binaril ni Stephens, 37, si Robert Godwin Sr., 74, nang madaanan niya itong namumulot ng mga lata noong Linggo, at ipinaskil ang video ng krimen sa Facebook. Inabot ng tatlong oras bago inalis ng Facebook ang video, na nagbunsod ng mga batikos sa responbsibilidad at polisiya ng social media sa mga hindi kanais-nais na materyal na ipinapaskil ng mga gumagamit nito.