Kris, VIP sa tinitirhang hotel sa L.A.

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Kris copy

SA The Peninsula Hotel Beverly Hills, California USA naka-check-in si Kris Aquino kasama ang kanyang bunsong si Bimby. Nalaman namin from a source na pinasunod na niya roon ang kanyang right hand na si Alvin Gagui mula sa Pilipinas nitong nakaraang Linggo kaya bale sa Los Angeles International Airport (LAX) na sila nagkita pagkagaling naman ni Kris sa Maldives.

VIP treatment sina Kris, Bimby at Alvin base na rin sa post ng Queen of All Media at ni Alvin din sa Instagram dahil personalized pa ang mga pillow case na nadatnan nila sa kuwartong gagamitin nila — may initials na KA (Kris Aquino) at AG (Alvin Gagui).

Ipinost din ng soon to be Hollywood actress ang buong kuwarto niya na may welcome Easter treat fruits at flowers na nagustuhan niya nang husto.

Kinabukasan (Lunes), kasama ni Kris si Bimby nang pumirma siya ng kontrata kasama ang kanyang agent na si Chris Lee.

Base pa rin sa post niya, “Am now being managed globally by East West Artists headquartered in Los Angeles… My entertainment career will be under the direct supervision of one of their partners, @agentchrislee.#NewBlessing #NewJourney.”

Ipinost ni Kris ang kuhang picture kahapon na may Bible verse, “Lamentations 3:22-23: ‘The steadfast Love of the Lord never ceases; His mercies never come to an end; they are new every morning; great is your faithfulness.’ Good morning Philippines.#Grateful #BeBlessed.”

Sinundan niya ito ng, “Work hard in silence, let your success be noise,’ obeying the request of @agentchrislee, believing in the wisdom of @nix722, and for the peaceful hearts of my sisters.#challengeaccepted.”

As of now, ayaw pa ring i-reveal ni Kris kung anong pelikula sa Hollywood ang sasamahan niya dahil. Bawal pa raw i-broadcast, ayon na rin sa posts niya.

Protocol sa Hollywood movie giant studios na sila ang dapat mag-announce kung anong pelikula ang kanilang gagawin at kung sinu-sino ang lead stars. (REGGEE BONOAN)

  • asarin

    haha tyak mabubulabog na naman ang mga bashers ni KRIS! hehe