Hustisya sa 2 tauhan ng Davao penal colony

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Mariing kinondena ni Bureau of Corrections Director Benjamin Delos Santos ang pagpatay sa accountant ng Davao Prison and Penal Colony (DAPECOL) na si James Taping Davide.

Tinambangan si Davide ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo, dakong 9:38 ng umaga kamakalawa, habang patungo sa Mabini, Compostella Valley.

Si Davide ang pangalawang kawani ng DAPECOL na pinaslang ngayong taon matapos ang pamamaril noong Pebrero 4 kay Kabunsuan Makilala sa Davao Del Norte habang sakay ng isang pampasaherong bus.

Nananawagan si Delos Santos sa mga awtoridad na gumawa ng hakbang para matigil na ang walang saysay na patayan at madakip ang mga pumatay kina Davide at Makilala. (Beth Camia)