Development authority sa hilagang Luzon

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Pinagtibay ng dalawang komite ng Kamara ang panukalang lumilikha sa Northern Luzon Growth Quadrangle Development Authority (NLGQDA) upang maisulong ang kaunlaran sa mga probinsiya, siyudad at bayan sa Ilocos Region, Cagayan Valley Region at sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ipinasa ng House Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle at ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang House Bill 4995 na inakda ni Rep. Deogracias Victor “DV” B. Savellano (1st District, Ilocos Sur) upang isulong ang kaunlaran sa hilagang Luzon. (Bert De Guzman)