De Lima, ‘di nawawalan ng pag-asa

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Tiwala si Senator Leila de Lima na malalampasan niya ang kalagayan niya sa ngayon dahil hindi naman ito ibibigay sa kanya ng Panginoon kung hindi niya ito kaya.

“Hangga’t buo ang ating pananalig, hangga’t may malasakit tayo sa ating kapwa, lagi’t laging mahahawi ang madidilim na kabanata, at makakamit ang isang maliwanag at mapayapang kinabukasan,” sulat ni De Lima sa kanyang liham mula sa bilangguan para sa Linggo ng Pagkabuhay.

“Sa panahong nababalot muli ng kadiliman ang ating bayan at hinahamon ang ating paninindigan, alalahanin sana natin ang aral ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo,” dagdag niya.

Dalangin naman ni Senator Francis Pangilinan na magkaroon ng sapat na pagkain sa bawat hapag-kainan sa Pasko ng Pagkabuhay na nataon din sa anihan. (Leonel M. Abasola)