World Pitmasters Cup II 9-Cock International Derby

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

BUNSOD nang napakalaking tagumpay ng 2017 World Pitmasters Cup, ang mga pinakasikat na sabungerong sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea ay muling nagsama-sama para itanghal ang 2017 World Pitmasters Cup 2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby.

Sa kapahintulutan ng Games & Amusement Board, ang makasaysayang sabong na ito ay muling gaganapin sa magarang Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila sa Mayo 14, 15, 16, 17, 19 at 20.

Sa eksklusibong pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila, ang anim na araw na labanan ay ihahatid sa tulong nina Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Kabuuang P15M ang nakatayang guaranteed cash prize sa entry fee na P88,000 at minimum bet na 55,000. Karagdagan pa rito ang ibibigay ng Resorts World Manila na bagong Mitsubishi Strada GL 4×2 M/T pick-up truck para sa handler ng magka-kampeon.

Lahat ng lalahok ay bibigyan ng libreng hotel room at parking slot sa mga araw ng laban at commemorative trophy na desenyo ni Castrillo mula naman sa Thunderbird Bexan XP.

Ang 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby ay magsisimula sa Linggo (Mayo 14) para sa unang set ng 2-cock elims at susundan ng isa pang 2-cock elims sa Lunes (Mayo 15).

Ang unang 3-cock semis ay sa Mayo 16 (0-2 puntos) at sa Mayo 17 – para sa second set (0-2 puntos).

Ang 4-cock finals para sa mga entries na umiskor ng 2, 2.5, 3 o 3.5 matapos ang semis ay sa Biyernes – Mayo 19.

Samantala ang 4-cock grand finals para sa may mga puntos 4, 4.5 & 5 ay sa Sabado Mayo 20, kung kalian magkakaalaman kung sino ang tatanghaling kampeon.

Para sa mga detalye at cockhouse reservations, maaaring makipag-ugnayan kay Ms. Kate Villalon – 09278419979.