Roxanne, nakikipagsabayan sa acting at beauty ni Maja

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ROXANNE copy

LABIS-LABIS ang pasasalamat ng comebacking Kapamilya actress na si Roxanne Barcelo na sa kanya ipinagkatiwala ang isang importateng role sa Wildflower na usap-usapan ng televiewers ngayon.

Ayon kay Roxanne, napakaraming artista ngayon ng ABS-CBN na kayang-kaya ring gampanan ang papel na ibinigay sa kanya, kaya itinuturing niyang suwerte na sa kanya ito ibinigay.

Alam niyang hindi siya nagkamali nang tanggapin niya ang role, at napatunayan niya ito ngayon na marami siyang natatanggap na papuri sa pagiging kontrabida ni Maja Salvador.

Lutang na lutang naman kasi ang mahusay niyang pagganap bilang kapareha ni RK Bagatsing na isa sa talagang pinanggigilang paghigantihan ng character ni Maja.

Tuwang-tuwa si Roxanne sa ipinaparating sa kanya ng kanyang maraming kaibigan at maging mga kapwa artista na kayang-kaya raw talaga niyang makipagsabayan sa bidang si Maja. Katunayan, hindi lang sa larangan ng pag-arte siya nakikipagsabayan sa huli kundi pati na sa pagandahan.

Sa totoo lang naman kasi ay magaling magdala ng damit ni Roxanne. May taste ang mga isinusuot niyang damit at kahanga-hanga rin ang sosyal na pagkilos at pagsasalita niya na bagay na bagay sa isang kontrabida, Samantala, kung sinusubaybayan din ni Danita Paner ang Wildflower, for sure ay may panghihinayang itong nararamdaman dahil sa kanya unang inialok ang papel ni Roxanne. Tinanggihan ni Danita ang role na ang katwiran ay may takot siyang nararamdaman at baka hindi raw niya maibigay ang mga eksenang halikan na kinakailangan sa istorya, huh! (Jimi Escala)