Piolo Pascual, walang record na naging gamitero

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PIOLO AT YEN copy

SHAILO pala ang tawag sa love team at followers nina Shaina Magdayao at Piolo Pascual at marami ang kinilig sa grupong ito nang aminin ni Piolo na five years na silang exclusively dating ng aktres.

Lalo silang kinilig nang lumabas ang picture na nag-dinner ang dalawa sa Bellini’s Cafe.

Kumpirmado ang report na magkasama sina Piolo at Shaina sa bagong pelikula ni Lav Diaz na wala pang titulo o anumang detalye na inilalabas.

Hindi maiwasang may mga nangnenega sa relasyon nina Shaina at Piolo, promo lang daw ito bagay na kinontra ng kanilang fans. Oo nga naman, napakatagal namang promo nito, five years na. Kung hindi kami nagkakamali, nagsimula ang love life nila nang gawin nila ang critically-acclaimed movie nilang OTJ (On The Job) under Erik Matti.

May sagot ang fans ni Piolo sa nag-aakusang ginagamit niya sa promo ng Northern Lights si Shaina. Kung user man daw si Piolo, na wala namang ganitong record sa buong career niya, at kung may gagamitin man sana raw ay si Yen Santos na lang ang palalabasin nitong idini-date niya. Dahil si Yen naman talaga ang leading lady niya sa bagong pelikula ng Star Cinema at Regal Films movie na showing sa March 29.

Anuman ang totoo kina Piolo at Shaina, maging masaya na lang tayo. ‘Wag na rin ibalik ang mga nakaraang relasyon ng dalawa. Kung sila nga nakapag-move on na, kayo pa ba ang hindi?

Anyway, naging emotional at napaluha si Piolo sa presscon ng Northern Lights sa Valencia Events Place kahapon nang purihin siya ni Mother Lily Monteverde. (Editor’s note: May detalye sa pahina 10.) (NITZ MIRALLES)