Piolo Pascual, pinaiyak ni Mother Lily

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ROSELLE PIOLO AT MOTHER LILY copy

NAPAIYAK ni Mother Lily Monteverde si Piolo Pascual sa presscon ng Northern Lights: A Journey To Love kahapon dahil sa mga papuri niya sa aktor.

Hindi kasi inaasahan ni Piolo na mataas pala ang pagkilala sa kanya ng Regal matriarch, isa sa mga kinikilalang haligi ng pelikulang Pilipino.

Bago nagsimula ang Q & A ng presscon, ito ang binasang speech ni Mother Lily:
“The first time I met Papa P, I knew that he was special, not only do I find him a brilliant actor, he is a diligent one as well. His eyes speak of sincerity, his heart feel with compassion for others.

“Right there and then, I thought this guy would go on a long way in his career. I was right 14 years ago, Papa P, I think I’m in love and I’m really in love with you, (sabay tingin kay Piolo) and you know that with Joyce Jimenez for Regal.

“Fourteen years ago, I wish that he would do another movie with us, Northern Lights: A Journey to Love is an answered prayer for common love in passion for the art, let him to a new journey back to Mother Lily and Regal. From the bottom of my heart, thank you, Papa P, I am overjoyed. My dear entertainment press, I want you to know how generous a man Papa P is.”

At ibinuking ni Mother Lily na ang talent fee ng aktor ay ipinamahagi niya sa staff and crew pagkatapos ng shooting nila ng pelikula, kaya naman tuwang-tuwa ang lahat at labis nilang minamahal si Papa P.

Hindi halos makapagsalita si Piolo pagkatapos magsalita ni Mother Lily at panay ang punas ng mga mata.

“Actually, si Ms. Roselle, called me up yesterday morning,” sabi ni Piolo habang nagpupunas pa rin ng mga mata, “and then, sabi ko, grabe naman, tinawagan pa ako ni Ms. Roselle. Papunta po ako sa ASAP and then nakausap ko si Mother Lily. Bata pa ako pinapanood ko na ang Regal movies, sabi ko, ang sarap ng pakiramdam.

“I was so starstruck by the thought of having Ms. Roselle, mother called me up, sobra lang akong na-overwhelmed habang papunta ako sa trabaho, Mother Lily called you up, para akong Regal Baby.

“I never thought I will get this far to be able to do something like this, I’m just really humbled by this. Thank you, Mother, I love you po,” reaksiyon ni Piolo sa magagandang sinabi ng producer ng Northern Lights: A Journey to Love.

Mapapanood na ang pelikulang ito sa Marso 29, co-producer ng Regal ang Spring Films at Star Cinema. (REGGEE BONOAN)