Modelong ‘karelasyon’ ng aktres, bading pala

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PABORITONG topic ngayon ang aktres at modelo na nagki-claim na may relasyon daw sila.

“Naku, gimik lang ‘yan! Paano magiging sila, eh, dyokla ‘yung guy. Pareho naman silang nagbe-benefit dahil nasusulat sila at maraming naniniwala, parang may project yata sila kaya ganyan,” kuwento sa amin ng taong kakilala ang modelong kasa-kasama ng kilalang aktres.

Sa isang showbiz event, habang naghihintay ang entertainment press ay nakita ng taong kakilala ng modelo na sweet-sweet-an sa kilalang aktres.

“Bakla ‘to, eh,” kaswal na sabi ng kausap namin sabay tingin sa dalawa.

May litrato rin pala ang kilalang aktres na nakikipagharutan sa lalaking modelo at meron ding magkatabi sila habang natutulog.

Kung totoong gay nga ang modelo, wala namang masama kung close o may relasyon na siya sa kilalang aktres. Baka naman sa sobrang closeness nila ay na-develop na sila sa isa’t isa.

Katunayan, marami kaming kakilalang bading na may asawa’t anak at maayos naman ang pagsasama nila.

“Ha-ha-ha, sa tingin mo? Made-develop si _____ (modelo) kay _____ (kilalang aktres). Ano ka ba?” balik-tanong sa amin.

“Why not? mabilis naming sagot.

Pantay-pantay na ngayon pagdating sa pag-ibig, di ba, Bossing DMB?

(‘Di kaya malapit nang magunaw ang mundo, Reggee? –DMB) (Reggee Bonoan)