Mag-BFF binistay sa ‘drug den’

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Patay ang isang magkababata na sinasabing tulak ng ilegal na droga matapos pagbabarilin ng apat na armado na pawang nakasuot ng maskara sa Caloocan City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, ang mga napatay na sina Fernando Danilo Aquino, 25; at Edwin Malait, 25, kapwa residente ng Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Base sa report ni Police Chief Insp. Ronald Cayago, commander ng Police Community Precinct (PCP) 3, bandang 11:00 ng gabi, himbing ang mga biktima sa bahay ni Aquino.

Dumating ang mga suspek na sakay sa dalawang motorsiklo at pinasok ang mga biktima saka pinagbabaril.

Napag-alaman na kapwa tulak ang magkababata at kabilang din sa drug watch list.

“Ginagawa raw pot session house ‘yung bahay ni Aquino. Marami na kaming natatanggap na reklamo mula sa mga kapitbahay ng mga suspek,” ani Cayago. (Orly L. Barcala)