Janella at Elmo, may pelikula na

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

DIREK JUN MOTHER LILY JANELLA AT ELMO copy

MAPAPANOOD na rin sa pelikula ang tambalan nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Sila ang magiging bida sa bagong pelikulang gagawin ni Direk Jun Lana titled My Fairy Tail Love Story. Produced ito ng The IdeaFirst Company nina Direk Jun at Direk Perci Intalan para sa Regal Films.

Sa title pa lang at sa initial poster, may buntot ng sirena kaya ibig sabihin, sirena ang role ni Janella. This week na naka-schedule ang shooting ng first movie ng magka-love team.

Mabuti at hindi na yata nagrereklamo ang fans ng love team nina Janella at Marlo Mortel at mukhang tanggap na nila na si Elmo na ang ibini-build up na love team ng ABS-CBN at heto nga, may pelikula na sila. (Nitz Miralles)