Italian mafia, malakas pa rin

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

ROME (AP) – Malakas pa rin ang mafia at kinokontrol o tinatangkang pasukin ang ekonomiya ng Italy, sinabi ni President Sergio Mattarella sa pagbisita niya sa katimugan ng bansa.

Sa seremonya nitong Linggo sa Locri, isang bayan sa Calabria na matagal nang hawak ng `ndrangheta crime syndicate, binasa ang mga pangalan ng mga inosenteng biktima na naipit sa labanan ng mga kriminal na angkan. Kabilang sa kanila ang kapatid ng presidente na si Piersanti Mattarella, ang Sicilian governor na pinaslang ng grupong Cosa Nostra sa Palermo noong 1980.

Pinuri ni Mattarella ang mga hukom, tagausig, pulis, lider ng unyon, negosyante, at mga pulitiko na matapang na nilabanan o kinondena ang organisadong krimen.