‘El Presidente’, magsasalita sa PSA Forum

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

ILALAHAD ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner at basketball legend Ramon Fernandez ang mga plano at programa ng ahensiya sa kanyang pagdalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Golden Phoenix Hotel sa Diosdado Macapagal Ave. Sunrise Drive sa Pasay City.

Kinatawan ng PSC Board, na pinamumunuan ni chairman William ‘Butch’ Ramirez, inaasahang tatalakayin ni Fernandez ang paghahanda ng ahenisya sa Philippine Sports Institute, Philippine National Games, at ang 29th SEA Games sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia sa programa na hatid ng San Miguel Corp., Golden Phoenix Hotel, Accel, at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Makakasama ni Fernandez sa programa na mapapakinggan ng live sa DSR Sports Radio 918 ang organizers ng Manila 10 Rugby Festival at Capiz Triaksyon International Triathlon sa pangunguna ni Greg Atienza.

Inaanyayahan ni PSA president Riera Mallari ng The Standard ang ga miyembro na makiisa sa programa na magsisimula sa 10:30 ng umaga.