Duguan sa ligaw na bala

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Sugatan ang isang lalaki makaraang tamaan ng ligaw na bala sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Alex Daniel, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 12:55 ng madaling araw nang tamaan ng ligaw na bala sa kanang hita si Bernie dela Cruz, 30, habang nagpapahinga sa loob ng kanyang bahay sa 1040 Antipolo Street, sa Tondo.

Kaagad siyang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center upang malapatan ng lunas.

Nakatakda sanang kapanayamin ng mga pulis ang biktima para sa magsagawa ng imbestigasyon, ngunit nakalabas na ito sa ospital at hindi pa natatagpuang muli. (Mary Ann Santiago)