Dn 3:25, 34-43 ● Slm 25 ● Mt 18:21-35

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

Nagtanong naman si Pedro: “Panginoon, gaano kadalas ko naman dapat patawarin ang mga pagkukulang ng aking kapatid?

Pitong beses ba?” “Sumagot si Jesus: “Hindi, hindi pitong beses kundi pitumpu’t pitong beses.”

Sinabi ni Jesus ang talinhagang ito: “Tungkol sa Kaharian ng Langit ang istoryang ito. Isang hari ang nagpasyang pagbayarin ng utang ang kanyang mga utusan. … Dahil walang maibayad sa kanya ang tao, iniutos ng panginoon na ipagbili siya at maging alipin kasama ng kanyang asawa, mga anak at mga ari-arian bilang bayad-utang.

“At nagpatirapa sa paanan ng hari ang opisyal at sinabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko.’ Naawa sa kanya ang hari at hindi lamang siya pinalaya kundi kinansela pa ang kanyang utang.

PAGSASADIWA:

Ganito rin ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa Langit kung hindi patatawarin ng bawat isa sa inyo mula sa puso ang kanyang kapatid.—Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagpapatawad mula sa puso? Para kay Jesus, hindi sapat na tayo ay magsabi lamang ng “pinapatawad kita,” kung hindi naman ito bumubukal sa puso.

Ang magpatawad mula sa puso ay nangangahulugan ng pag-aalis ng lahat ng sama ng loob, galit, at hangaring maghiganti.

Maaari kasing mangyari na magpakita ng pakikipagkasundo ang isang tao nang harapan, ngunit ang totoo, meron pa siyang kinikimkim na galit. Ang pagpapatawad “mula sa puso” ay pagpapatawad na wagas at walang pagkukunwari. Hindi lang ito sinasabi kundi higit sa lahat, ipinakikita sa gawa.