Cafe France, uukit ng kasaysayan sa D-League

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Mga Laro Ngayon
(Marikina Sports Complex)
Game 1Best-of-Three Semifinals
3n.h. — Cignal vs Tanduay
5 n.h. – Café France vs Racal

TARGET ng Café France na maitala ang upset win sa pakikipagtuos sa outright qualifier Racal sa Game 1 ng kanilang best-of-three semifinal duel ngayon sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Marikina Sports Complex.

Nakatakda ang laban ganap na 5:00 ng hapon matapos ang sagupaan ng Cignal at Tanduay sa hiwalay na semifinal match sa 3:00 ng hapon.

Nakuha ng Tile Masters at Hawkeyes ang top two spot sa Final Four nang tampukan ang elimination round, habang dumaan sa playoff ang Bakers at Rhum Masters para makumpleto ang Final Four cast.

Tinalo ng Tanduay ang AMA Online Education, habang iginupo ng Café France ang Jose Rizal University sa parehong best-of-three series na kapwa nagtapos sa 2-0.

Matagal na napahinga, malalaman ngayon kung kinalawang ang Cignal at Racal sa pagsabak nila sa semis.

Muli, inaasahang pangungunahan ang Hawkeyes ni coach Boyet Fernandez nina San Beda standouts Javee Mocon. Davon Potts,Robert Bolick at Benedict Adamos kasama ng mga beteranong sina Byron Villarias at Arvee Bringas.

Inaasahan namang itatapat sa kanila ni coach Lawrence Chongson sina Jerwin Gaco, Raffy Reyes at Mark Cruz.

Para naman sa kampo ng Bakers, tiyak na sasandigan ni coach Egay Macaraya sina Congolese center Rod Ebondo, Joseph Sedurifa, Michael Calisaan at Paul Desiderio. (Marivic Awitan)