Benjamin Alves, nasa cloud 9 sa piling ni Julie Anne

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Benjamin Alves PKLSL copy copy

KAHIT ten months na silang exclusively dating, ayaw pa ring bigyan ni Benjamin Alves ng label ang relasyon nila ni Julie Ann San Jose.

“Basta I always look forward seeing her everyday, she’s my inspiration, I’m happy kapag kasama ko siya,” kuwento ni Benj. “We’re happy together, I texted her every morning and before I go to sleep, lalo na kung wala kaming taping ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.”

Inamin niya na ngayon lang niya nararanasan ang happiness na ito, sa piling ni Julie. Na-link na siya sa ibang artista noon, pero iba raw talaga kay Julie, at natutuwa siya kapag may nagsasabi na bagay silang dalawa. Pero may bashers din na ayaw siya for Julie.

Hindi siya naapektuhan ng bashings nila, at hindi siya magpapatalo sa kanila.

Ang sexy ngayon ni Julie, papayag ba siyang mag-pose ang ka-love team niya men’s magazine?

“Hindi sa akin ang desisyon, sa kanya iyon. Pero may takot si Julie sa parents niya, sa family niya, alam kong hindi siya papayag mag-pose sa men’s magazine. Kahit nga love scene sa aming afternoon prime, ayaw namin, lalo na sa part niya, ayaw ko, hanggang kissing scene lang kami.”

This Holy Week, magkasama ba sila ni Julie?

“Gusto ko nga sana, pero hindi p’wede, nagsi-serve siya sa church nila, uuwi siya sa Subic. Inimbita naman niya ako, pero sabi ko for her family iyon, dahil sa busy schedules niya, no time na rin siya ng bonding with them. Ako naman, uuwi ako ng Guam, para mabisita ko rin ang family kong naka-base doon. Matagal na rin akong hindi nakakauwi sa Guam.

Siguro, one day, after ng show, sana makapagbakasyon din kami ni Julie, kahit sa Hong Kong lang.”

Sa March 31 ang 28th birthday ni Benjamin, may birthday wish ba siya?

“Gusto ko i-surprise ako ni Julie on may birthday lalo na kung may taping kami sa araw na iyon. I want to be with her on my birthday, kahit nagtatrabaho kami.”

Ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa ay napapanood daily sa afternoon prime ng GMA-7 pagkatapos ng Legally Blind.
(Nora Calderon)