Bea at Ian, sweet daw sa set kahit ‘di kinukunan

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BEA AT IAN copy

KASWAL kaming tinanong ng non-showbiz friend namin kung hiwalay na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Nagulat kami, dahil, paano sila maghihiwalay, e, hindi pa nga sila nagkakabalikan o umaamin na nagkabalikan.

Pero may tinutumbok palang mas malalim na isyu ang kaibigan namin, at hindi namin inasahan na may matitisod kaming isyu. Kinulit kasi kami, kung hiwalay na nga ba talaga kaya sinagot namin ng, ‘hindi pa nga nagkakabalikan, paano maghihiwalay?’

“O, sige, hindi nagkabalikan, pero madalas silang magkasama lagi, bakit ngayon hindi na?” pangungulit ng non-showbiz friend namin.

So, heto na…

“Kasi ‘yung partner ko, dumalaw sa taping ng A Love To Last at nakita niyang sweet sina Ian (Veneracion) at Bea, eh, hindi naman daw sila kinukunan. Parang break nila, pero sweet sila,” kuwento sa amin.

‘Baka naman, nagri-reading para sa next scene nila,’ katwiran namin.

“Eh, bakit malayo sila sa tao? Silang dalawa lang do’n sa lugar,” diin ulit sa amin.

Naku, wala kaming alam. Ano ito, bagong isyu kina Ian at Bea? The other week lang, tinanong ng grupo ni Bossing DMB sa set visit ang aktor kung ano ang reaksiyon ng misis niya sa kissing scene nila ni Bea, na sinagot nito ng hindi dahil sa katunayan ay kinikilig pa ang kanyang wifey sa love team nila ni Bea.

Kilala namin si Ian at wala siyang record na two-timer. Sa kabilang banda, kilala ring matinong babae si Bea. Bagamat single ngayon ay hindi naman siya mahilig pumatol kapag taken na ang guy, di ba, Bossing DMB?

(True! –DMB)

Sigurado kami na hindi gimik o promo ito ng A Love To Last dahil hindi naman kailangan, consistent na mataas ang ratings nila at pinag-uusapan ng televiewers kahit saan. (REGGEE BONOAN)