2018 expedition sa Titanic

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

WOODS HOLE, Mass. (AP) – Binabalak ng mga mananaliksik ang unang manned submersible expedition sa Titanic simula 2005.

Inihayag kamakailan ng OceanGate Expeditions na tutulak ang pitong linggong research mission mula sa Newfoundland, Canada, sa Mayo 2018. Makikibahagi rin ang mga eksperto mula sa Woods Hole Oceanographic Institution sa Massachusetts.

Layunin ng misyon na alamin ang kondisyon ng sirang barko at idokumento ang artifacts sa protected site. Umaasa ang mga eksperto na makakuha ng 3D photographic model ng lumubog na barko gamit ang modernong subsea imaging technology.

Lumubog ang British luxury liner noong Abril 15, 1912, matapos tumama sa isang iceberg sa unang paglalayag nito mula Southampton, England, patungong New York City, na ikinamatay ng mahigit 1,500 katao.