2 manlolokong Koreano, ipatatapon

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Nakatakdang ipatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Koreano na wanted sa kasong large-scale fraud sa Seoul, South Korea.

Ayon kay Commissioner Jaime Morente, sina Lim Chae Beom, 63, at Son Dae Hyon, 45, ay naaresto noong nakaraang linggo sa magkahiwalay na operasyon ng fugitive search unit ng ahensiya.

“I issued the mission order for their arrest at the request of the (South) Korean embassy and upon learning that both of them are subjects of red notices from the Interpol,” ani Morente. (Mina Navarro)