Riot sa kulungan, 2 patay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

GUATEMALA CITY (AP) — Sumiklab ang riot nitong Linggo sa isang kulungan na ikinamatay ng dalawang jail monitor at ikinasugat ng marami pang iba.

Kinumpirma ng National Civil Police ang pagkamatay ng dalawang monitor sa Central Correctional Stage II sa San Jose Pinula, may 20 kilometro ang layo mula sa hilaga ng kabisera.

Ayon sa mga opisyal, sinilaban ng mga preso ang isang bahagi ng kulungan at naghagis ang mga pulis ng mga lata ng tear gas para makontrol ang kaguluhan.

Sinabi ng mga bombero na pinatay sa bugbog ang mga monitor.