Pinatay si misis, nagbaril sa ulo

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CABANATUAN CITY – Humantong sa kamatayan ng mag-asawa ang mainitan nilang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Purok Champaca, Barangay Bangad, Cabanatuan City.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang mga biktimang sina Salvador Sarte Gadian, 47; at Wilma Sahiron Gadian, 51, ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, gabi nitong Marso 15 nang magtalo ang mag-asawa hanggang bumunot ng baril si Salvador at binaril sa ulo ang asawa, na kaagad nasawi.

Nang matiyak na patay na si Wilma ay nagbaril sa sentido si Salvador. (Light A. Nolasco)