Parak binistay, patay

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TARLAC CITY – Marahas na kamatayan ang nalasap ng isang sarhento ng pulisya na pinagbabaril ng mga hindi nakilalang armado sa Dagohoy Street, Barangay Paraiso sa Tarlac City, na ikinasugat din ng kasama ng biktima nitong Sabado ng hapon.

Sa ulat ni PO3 Paul Andrew Pabustan kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, pinagbibistay si SPO3 Ruben Cortez, 53, may asawa, nakatalaga sa Police Community Precint (PCP)-4 ng Tarlac City Police, habang sugatan naman ang kasamahan niyang si PO3 Gerald Dela Vega, 37 anyos.

Ayon sa report, sakay sina SPO3 Cortez at PO3 Dela Vega sa mobile patrol at reresponde sana sa Bgy. Paraiso nang salubungin sila ng isang puting Isuzu Crosswind at nirapido si SPO3 Cortez ng hindi nakilalang sakay nito.
(Leandro Alborote)