Medical mission sa Batangas

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

BATANGAS – Nagpapatuloy hanggang ngayong Lunes ang medical mission sa iba’t ibang bayan sa Batangas para magkaloob ng libreng konsultasyon, gamot at bunot ng ngipin sa anim na bayan sa ikaapat na distrito ng lalawigan.

Ayon kay 4th District Rep. Lianda Bolilia, Marso 16 nang nagsimula ang kanilang medical mission sa bayan ng Padre Garcia, na isinagawa rin sa Rosario.

Ngayong Lunes, gagawin naman ang medical mission sa mga bayan ng Taysan, San Juan, San Jose at Ibaan, na tatagal hanggang Huwebes. (Lyka Manalo)