Magkaangkas sa motorsiklo, lasog sa truck

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

ISULAN, Sultan Kudarat – Nagkalasug-lasog ang isang barangay kagawad at kasama niyang security guard makaraang salpukin ng isang truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa highway sa Makilala, North Cotabato nitong Biyernes.

Namatay sina Crispin Mier Famulagan, 61, may asawa, kagawad ng Barangay Sto. Niño, Makilala; at Paquito Egualan Sarmiento, 58, may asawa, security guard.

Arestado naman at nakakulong na si Berlyn Jose Quinol, driver ng truck (RJC-964), at taga-Bgy. Buhangin, Davao City.
(Leo P. Diaz)