Lenten exhibit sa Binondo, bisitahin

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Inaanyayahan ni Radio Veritas President Rev. Fr. Anton Pascual ang publiko na bisitahin ang Veritas Lenten exhibit na bukas hanggang sa Abril 2, sa Lucky Chinatown Mall sa Binondo, Manila bilang bahagi ng pag-obserba ng Kuwaresma.

“The Veritas Lenten exhibit is open to everyone free of charge who wishes to deepen their faith in God especially during this season of Lent. This is one of the good ways to commemorate the sacrifices of Jesus Christ for us,” ani Pascual.

Tampok sa exhibit, bukas mula 10:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi, ang mga imahe at replica na nagpapakita sa Pasyon ni Kristo at ang mga imahe ni Birheng Maria, kabilang ang Mater Dolorosa at marami pang Iba. – Christina I. Hermoso