Karne ng Brazil tiniyak na ligtas

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

RIO DE JANEIRO (AP) – Nakipagpulong ang pangulo ng Brazil sa mga ambassador ng mga bansang nag-aangkat ng karneng Brazilian upang muli silang bigyan ng katiyakan matapos lumutang sa imbestigasyon na sinusuhulan ng mga meatpacker ang mga inspector upang mapanatili sa pamilihan ang mga bulok na karne.

Sinabi ni President Michel Temer na nais ng gobyerno ng Brazil “to reiterate its confidence in the quality of our national product.”

Naglabas ang federal police ng 38 arrest warrant sa mga higanteng meatpacker na JBS at BRF, na malaking dagok sa reputasyon ng Brazil bilang isa sa nangungunang producer ng karne sa mundo.

Sinabi ni Temer na 33 lamang sa 11,000 inspector ng Agriculture Ministry ang iniimbestigahan.