Prince William: Mas matibay na ugnayang Franco-British

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

Paris (AFP) — Ipinangako ni Prince William nitong Biyernes na mananatiling malapit ang kanyang bansa sa France sa kabila ng Brexit, sa pagbisita niya at ng kanyang misis na si Kate sa Paris.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita si William sa French capital simula nang pumanaw ang kanyang ina na si Diana na namatay sa car crash noong 1997.

Si William, na ikalawa sa pinakamataas na trono, at kanyang misis ay kapwa ambassador ng Britain.

“This partnership will continue despite Britain’s recent decision to leave the European Union,” sambit ni William.

“The depth and the breadth of our cooperation will not change.” dagdag niya.