McDonald’s tweet vs Trump dahil sa hacking

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

NEW YORK (AP) – Sinabi ng McDonald na na-hack ang account nito matapos magpadala ng mensahe na tinatawag si US President Donald Trump na “a disgusting excuse of a President.”

Binura na ang tweet kay Trump nitong Huwebes sa official account ng McDonald’s Corp. ngunit marami na ang nakasilip nito. Nakasaad sa mensahe na gusto nitong maibalik si President Obama at sinabihan si Trump na “also you have tiny hands”