Estudyante namaril sa eskuwelahan

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

PARIS (AP) — Isang 16-anyos na estudyante na nakaaway ang ilang kaeskuwela ang namaril sa isang paaralan sa katimugan ng France nitong Huwebes, na ikinasugat ng tatlong estudyante at ng principal umawat sa kanya. Rumesponde ang mga pulis sa Alexis de Tocqueville high school sa bayan ng Grasse — ang perfume capital ng bansa — at mabilis na nahuli ang armadong suspek.

Ayon kay Prosecutor Fabienne Atzori, armado ang binatilyo ng rifle, ilang pistola at isang maliit na granada – nang pumasok ito sa silid-aralan at umalis din matapos hindi makita ang taong hinahanap.