Vicor Dancers, nagdiriwang ng 37th anniversary sa Japan

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

VICOR DANCERS copy

NAKAKATUWANG makita ang dating Vicor Dancers sa pangunguna ni Joy Cancio, producer ng Daisy Siete na umabot ng 26 seasons o anim na taon at kalahati sa GMA-7 at nagpasikat nang husto sa binuo niyang Sexbomb Dancers.

Nakita namin ang masayang litratong kuha sa kanila sa Tokyo at ipinost ng isa sa miyembrong si Butch Pura sa Facebook na may caption na, “Vicor Dancers back in Japan.”

Na-curious kami kung magso-show ulit doon ang Vicor Dancers kaya nag-usisa kami at sinagot naman kami ni Butch ng, “Hi Kapatid. Wala, bakasyon lang. Anniversary namin sa (March) 4 kasi.”

Nagdiriwang ngayong araw ang grupo ng kanilang 37th anniversary simula nu’ng mabuo sila at apat na lang silang magkakasama — sina, Joy, Butch, Cris at Dinggoy.

Hindi na nasagot ni Butch ang tanong namin kung nasaan na ang ibang miyembro ng grupo nila.

Samantala, tuluyan nang nilisan ni Joy ang showbiz dahil nagkaroon siya ng problema sa kanyang kalusugan.

Ipinagkatiwala na niya ang pamamahala ng Sexbomb Dancers sa kanyang anak na babae.

As of now ay kilalang Zumba instructor si Joy sa bandang South, malapit din sa kanyang tinitirhan. (Reggee Bonoan)

  • MarianoRivero

    Si Caloy Santos deceased na. Si Trina Llanes, isang registered nurse sa CA. The others, no idea.