Pagpapaseksi ni Kathryn, sa beach lang

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAG-VIRAL sa social media kamakailan ang isang larawan ni Kathryn Bernardo na nakasuot ng one-piece swimwear sa Boracay. Nagbakasyon sa Boracay sina Kathryn at Daniel Padilla kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

May daring photos din si Kathryn in her swimsuit habang nakayakap sa bandang likuran niya si Daniel. Nag-uusisa tuloy ang KathNiel fans kung paghahanda na ba ito ng aktres sa pagiging daring sa kanilang future projects, gaya ng Luna Sangre.

“No, sa ano lang ‘yun, personal vacation pero ‘yung sa onscreen, depende po ‘yun lahat kay Mr. M (Johnny Manahan) pero ‘pag sa vacation, oo naman. Lalo ‘pag sa beach,” paliwanag ng dalaga nang mainterbyu sa thanksgiving presscon para sa 25th anniversary ng Star Magic.

Ayon naman sa over-protective na partner niyang si Daniel, hindi niya papayagan si Kathryn to do more daring roles.
“Pero darating naman ‘yun. Parang normally, naturally darating ka sa point na gagawin mo na rin ‘yung gano’n dahil gano’n naman talaga. Pangit ‘yung pipilitin mo,” sey ng binata.

Lagi naman daw humihingi ng permission si Kathryn sa mga gagawin nito sa kanilang trabaho.

“Lagi-lagi ‘yan. Minsan pinag-aawayan pa namin pero siyempre, pinangangalagaan ko lang din naman siya. Hindi naman sa masyado akong over-protective, pero siyempre iniisip din naman natin ‘yung mga iisipin ng mga tao, ‘yung mga fans, siyempre ‘yung mga supporters… dahil marami tayong mga batang supporters. Ayaw natin silang mabigla. Gusto natin ‘yung makakasabay pa rin sila sa atin,” paliwanag ni Daniel.

Nag-level-up na ba ang dati’y ‘exclusively dating’ na ibinigay nilang status ng kanilang relasyon?

“Obvious na ‘yun. Alam n’yo na ‘yun,” mabilis na sagot ni Daniel, sabay ngiti. (Ador Saluta)