Katy Perry at Ed Sheeran, magtatanghal sa iHeartRadio Music Awards

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAGTATANGHAL sina Katy Perry, Ed Sheeran at The Chainsmokers sa iHeartRadio Music Awards sa Los Angeles.

Kabilang sa mga magtatanghal na inihayag nitong Miyerkules sina Shawn Mendes, Thomas Rhett, Noah Cyrus, at Big Sean.

Nauna nang inihayag na magtatanghal din si Bruno Mars.

Si Drake ang nanguna sa lahat ng mga nominado sa nakuhang 12 nominasyon, kabilang ang male artist of the year, sa ikaapat na taunang awards show. Ipapalabas ito nang live sa TBS, TNT, truTV sa Linggo. (AP)