Daniel, panay ang request na makatambal si Sarah sa pelikula

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Daniel copy copy

MAY source kami na nagbulong sa amin na panay daw ang request ni Daniel Padilla sa Star Magic honcho na si Mr. M (Johnny Manahan) na pagsamahin sila ni Sarah Geronimo sa pelikula.
 

May natatandaan kaming inamin ni DJ sa isang panayam na gusto niyang makatrabaho ang pop princess, pero hindi niya binanggit na inire-request niya ito kay Mr. M.

 Nabanggit pa ng batang aktor na trabaho lang naman ang pakay niya kay Sarah G, kaya walang dapat ikabahala ang love of his life na si Kathryn Bernardo maging ang fans nila dahil ang huli pa rin ang nilalaman ng puso niya.
 
Hmmm, what do you think, Star Cinema management? For a change, baka puwedeng pagbigyan ang kahilingan ni Daniel. At sana si Direk Cathy Garcia-Molina ang magdirek.
 
Ano sa tingin mo, Bossing DMB, papatok?

(Parang malaki na ang agwat ng edad ni Sarah kay Daniel. Baka mas pumatok kung si Liza Soberano ang itambal sa kanya. –DMB) (REGGEE BONOAN)