RBLS eliminator, lalarga sa Circulo Verde

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

BINIGYAN ng pagkilala ng USA Cycling Federation ang Red Bull Last Stand, fixed-gear criterium event na ginanap kamakailan sa Alamo sa San Antonio, Texas, USA.

Ang naturang event ang kauna-unahang pagkatig ng federation sa fixed-gear road racing, na unti-unti nang kinikilala sa buong mundo.

Bunsod nito, asahan ang mas kompetitibo at world-class na torneo sa bansa nang ipadala ng RBLS organizer sina race director Ravi Rajcoomar at world-renowned cyclist Addison Zawada sa Pilipinas para pangansiwaan ang gaganping international qualifier, gayundin ang Metro Race Collective (Organizers of the Manila Fixed Gear + Ultraman Uphill Races) sa Circulo Verde.

Nakatakda ang karera sa Marso 19 at nakatuon sa apat na kategorya: ang Fixed Men (Open), ang magwawagu ay makakausad sa Red Bull Last Stand; Fixed Women (Open), Geared Men (Open), Geared Women (Open).

Kasabay din ang paglulunsad ng Bike Playground, ang kauna-unahang pump track facility sa bansa na dinisenyo ni Swiss cyclist & designer Claudio Caluori (Velosolutions)

“It’s really a first for the country (and one of the few in Asia,” pahayag ni Melvin Sun ng Metro Race.

“Our event has the opportunity to reach global standards thanks to the support and we feel should put Philippine’s on the map. We see it as a coming of age and a way to recognize the local talent we have and spur them forward,” aniya.