Pro-bono lawyer binistay

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Patay ang isang abogado makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem criminals sa Barangay Dao, Tagbilaran City, Bohol, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Tagbilaran City Police, bandang 4:00 ng hapon nang pagbabarilin si Atty. Mia Manuelita Mascariñas-Green sa Purok 2, Bgy. Dao, Tagbilaran.

Nabatid ng pulisya na si Green ay kilalang pro-bono lawyer o iyong hindi nagpapabayad sa mahihirap, at nagtuturo ng abogasya sa Holy Name University. (Fer Taboy)