Pope Francis: Katutubo may karapatan sa lupa

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

VATICAN (AP) — Iginiit ni Pope Francis na hilingin ang permiso ng mga katutubong grupo sa anumang economic activity na makaaapekto sa kanilang ancestral land, isang pananaw na salungat sa administrasyong Trump na isinusulong ang pagtatayo ng $3.8 billion oil pipeline sa North Dakota na labis na tinututulan ng mga American Indian.

Nakipagpulong si Francis sa mga kinatawan ng mga katutubo na dumadalo sa isang agricultural meeting ng United Nations. Sinabi ng mga katutubo na ang pangunahing isyu na kinakaharap nila ay kung paano maitatawid ang karapatan sa pagsusulong ng ekonomiya habang pinoprotektahan ang kanilang mga kultura at teritoryo. “In this regard, the right to prior and informed consent should always prevail,” anila.

“For governments, this means recognizing that indigenous communities are a part of the population to be appreciated and consulted, and whose full participation should be promoted at the local and national level,” sinabi ni Pope Francis sa indigenous leaders noong Miyerkules.