NBA: Bulls at Wizards, nakahirit

Filed under Features, Sports Balita RSS RSS Feed

chicago-bulls copy

CHICAGO (AP) — Naisalpak ni Jimmy Butler ang dalawang free throws sa huling 0.9 segundo para sandigan ang Chicago Bulls sa 104-103 panalo kontra Boston Celtics nitong Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila).

Kontrobersiyal ang kinalabasan nang tawagan ng foul si Marcus Smart na matikas na dumepensa kay Butler para sa final play ng Bulls. Ni-review ng referee ang tagpo at nanindigan na may foul na nagawa si Smart.

Kumana ng kabuuang 29 puntos si Butler, habang nanguna si Isiah Thomas sa Boston sa naiskor ding 29 puntos.

WIZARDS 111,PACERS 98
Sa Indianapolis, naisalpak ni Otto Porter Jr. ang anim na three-pointer para sa kabuuang 25 puntos at gabayan ang Washington Wizards kontra Indiana Pacers.

Nag-ambag si Markieff Morris ng 21 puntos, habang kumubra sina Bradley Beal ng 19 puntos at kumubra si John Wall ng 20 puntos at 12 assist para sa ikaapat na sunod na panalo ng Wizards (34-21).