Naglason na, nagsaksak pa

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

STO. TOMAS, Batangas – Nakabulagta sa sahig ng banyo at wala nang buhay nang madatnan ng mga kasamahan ang isang technician na umano’y naglason bago nagsaksak sa sarili sa Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa report ni SPO2 Jose Roy Malapascua, dakong 7:00 ng gabi nitong Miyerkules nang matuklasan ng mga kasama sa inuupahang bahay ang wala nang buhay na si Kevin John Magnaye, 26 anyos.

Duguan at nakahandusay sa banyo si Magnaye nang natagpuan katabi ang isang kutsilyo at insecticide na hinihinalang ginamit nito sa pagpapakamatay, ayon sa pulisya.

Sa sinasabing suicide note na iniwan, sinabi umano ni Magnaye na mahina siya at nilinaw na walang kasalanan ang ibang tao sa kanyang ginawa. (Lyka Manalo)